TATAG NG WIKANG FILIPINO, LAKAS NG PAGKA-PILIPINO!
HOME
MGA BAGO
MGA ARALIN
MGA AKTIVITI
TUNGKOL SA AMIN
ANG PANG-ABAY NA PAMANAHON AT PANG-ABAY NA PANLUNAN

  Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Napapangkat ang ganitong uri ng pang-abay: (1) yaong may pananda at (2) yaong walang pananda.Gumagamit ng nang , sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang bilang mga pananda ang pang-abay na pamanahon.
Mga halimbawa:


  1. Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw?
  2. Inaasahan tayo roon sa gabi, hindi sa araw.
  3. Noong Lunes siya nagsimula sa kaniyang bagong trabaho.
  4. Kapag Mahal na Araw ay sinisikap niyang mag-abstinensya at mag- ayuno.
  5. Tuwing Pasko ay nagtitipon-tipon silang mag-anak.
  May mga pang-abay na pamanahon na walang pananda tulad ng kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali at iba pa.
Mga Halimbawa:
  1. Pitong pangunahing alagad ng sining ang tumanggap kahapon ng �National Artist Award� buhat sa Pangulo.
  2. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino.
  3. Magsisimula pamaya-maya ang kumbensiyon tungkol sa pagpapabahay sa mahihirap.
  4. Ipinagdiriwang ngayon ng Makati ang ika-262 anibersaryo ng kaarawan ni Gabriela Silang.
  5. Panauhing pandangal mamaya ang bagong pangulo sa pagkakaloob ng Gantimpalang TOYM.
  Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihan, o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa. Karaniwang ginagamitan ng pariralang sa/kay ang ganitong pang-abay. Sa ang ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.
  Kay o ang maramihan nitong kina, ang ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao. Ang pangngalang pantanging ngalan ng pook o bagay ay pinangungunahan ng sa.
Narito ang Ilang mga Halimbawa:
  1. sa + pangngalang pambalana.

BACK<<

Copyright � 2014 by Kadipan
All Rights Reserved